SUSPENDIDO ngayong araw, Marso 28, 2025, ang face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa.
Ito’y dahil sa inaasahang matinding init ng panahon.
Ang mga ito ay ang:
- Dagupan City: Walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan.
- Alaminos at Mangaldan, Pangasinan: Walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan.
- Candaba, Pampanga: Walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan.
- Moncada, Tarlac: Walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan.
- Bacoor, Cavite at Meycauayan, Bulacan: Walang face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampublikong paaralan lamang.
- Manaoag, San Carlos, at Urdaneta City, Pangasinan: Walang face-to-face ng mga pang-hapon na klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan.
- Malolos, Bulacan: Walang face-to-face classes simula kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampublikong paaralan.
- Calasiao, Pangasinan: Walang face-to-face classes sa pre-school hanggang kolehiyo sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
- Quezon City: Walang face-to-face classes ang Child Development Centers, Kindergarten, Grade 1 to 12, at Alternative Learning System.