Ilang pamilya sa Indonesia, nagdemanda na hinggil sa mga batang namatay dahil sa cough syrups

Ilang pamilya sa Indonesia, nagdemanda na hinggil sa mga batang namatay dahil sa cough syrups

IDINEMANDA na ng dose-dosenang pamilya sa Indonesia ang kanilang pamahalaan at ilang pharmaceutical companies.

Kasunod ito sa pagkamatay ng halos 200 indibidwal na madalas ay mga kabataan dahil sa cough syrups.

Base sa isinagawang mga pag-aaral, ang sanhi ng pagkamatay ng mga bata ay dahil sa acute kidney injury dulot ng syrups na naglalaman ng sobra-sobrang ethylene glycol at diethelene glycol, ang dalawang compounds na ginagamit sa industrial products gaya ng antifreeze.

Matatandaan na noong Setyembre nang pangalanan ng National Food and Drug Agency ng Indonesia ang 5 syrups na naglalaman ng mapanganib na substance at agad na ipinag-utos ang pagtatanggal at pagsira nito sa merkado.

Buwan ng Agosto nagsimula ang pagkasawi ng mga bata at ito na ang naging dahilan sa biglaang pagbabawal sa lahat na bentahan ng mga hindi na pinangalanang liquid medicine.

Follow SMNI NEWS in Twitter