ILANG tindahan lamang ng bigas sa Guadalupe Market sa lungsod ng Makati ang nagtitinda ng regular at well-milled rice na nakasunod sa itinakdang presyo ng pamahalaan.
Ayon sa mga rice retailer, nag-aalinlangan man sa presyo ngunit kailangan nilang ibababa ito alinsunod sa direktiba ng gobyerno.
Pero habang ang iilan naman sa nasabing palengke ay hindi talaga nakasunod sa nasabing presyo.
Paliwanag nila, malulugi sila sa bawat sako ng 50 kilos na regular at well-milled rice.
Habang ang iilan naman ay nagsarado na at hindi na muna nagtinda.