Illegal drug users sa buong mundo, 300-M na—UN

Illegal drug users sa buong mundo, 300-M na—UN

Tinatayang halos 300-M katao ang gumagamit ng iligal na droga sa buong mundo.

Sa World Drug Report 2024 ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), ang 292 milyon na illegal drug users noong 2022 ay katumbas ng 20 percent na pagtaas sa loob ng sampung taon.

Batay rin sa report, ang cannabis ang pinakaginagamit ng karamihan at sinundan ito ng opioids.

Sa 64 milyon katao rin na may drug use disorders, nasa isa sa bawat labing isa lang ang sumailalim sa medical treatment.

Madalas pa na mga babae ang hindi sumasailalim sa medical treatment kumpara sa mga lalaki.

Samantala, sa 2.7 milyon na inuusig kaugnay sa drug violations, nasa 1.6 milyon ang nahatulan sa buong mundo noong 2022 ayon sa UN.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble