INATASAN na ni PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga local police ang imbestigasyon sa pagpatay sa isang police officer na nakatalaga sa anti-drug unit ng Bacolod City noong Linggo.
Ayon kay Eleazar, lahat ng anggulo ay susuriin para matukoy ang tunay na motibo sa pagpatay kay Police Staff Sergeant Joseph Nepomoceno.
Nagpaabot din ang PNP Chief ng pakikiramay sa pamilya ng namayapang pulis at tiniyak ang pagbibigay ng tulong sa mga ito.
Ipinangako rin nito na mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng opisyal ng pulisya.
Hinimok naman ni Eleazar ang mga saksi at mga tao na maaring may nalalamang impormasyon na lumipat at tulungan sa imbestigasyon ang mga otoridad na mapanagot ang mga suspek.