INAUGURAL edition ng Women’s Kampeon’s Cup, 6 na koponan ang sasali ngayong April 15-16 sa Mckinley Hill Stadium, Taguig.
Ang mga koponan mula Pampanga, Muntinlupa, at Bonifacio Global City sa group A.
Ang Cebu, Palawan, at Batangas naman sa group B.
Ayon kay dating Philippine Azkals Captain Anton del Rosario na siyang founder ng 7s football, ninanais niyang mabigyan ng oportunidad ang mga babaeng manlalaro na may hilig sa naturang larangan.