INALERTO na ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda sa posibleng epekto ng Bagyong Amang sa kanilang mga kabuhayan.
Sa monitoring ng DA, kabilang sa inaasahang maapektuhan ng bagyo ay ang Bicol Region, Samar, at katimugan ng Quezon hanggang sa Huwebes ng gabi.
Dahil dito, pinapayuhan na ang mga magsasaka na anihin na ang kanilang mga palay at mga gulay bago pa maapektuhan ng bagyo.
Gayundin ang mga mangingisda na hanguin na nang mas maaga ang kanilang mga isda.
Inabisuhan din ang mga mangingisda na iwasan muna ang pagpapalaot partikular na sa mga lugar na nakararanas na ng malakas na hangin at alon dahil sa bagyo.
Pinalilinis na rin ang mga daluyan ng tubig sa mga irigasyon at iba pa upang maiwasan ang mga pagbaha.
Pagtitiyak naman ng DA na nakahanda ang iba’t ibang interview para tulungan ang mga maapektuhang mangingisda at magsasaka ng Tropical Depression Amang.