NANGUNGUNA pa rin si Davao City Mayor at vice presidential candidate Sara Duterte sa latest survey ng Pulse Asia kung saan nakakuha ito ng 56%.
Pumapangalawa naman kay Inday, si Senate President Vicente Sotto III kung saan nakakuha ito ng 34%.
Pumapangatlo si Senator Francis Pangilinan na may 15% na sinundan ni Dr. Willie Ong na may 5% at House Deputy Speaker Lito Atienza na may 1%.
Dagdag pa ng Pulse Asia, wala halos pinagbago ang resulta ng vice presidential survey noong Pebrero at ngayong Marso kung saan nangunguna pa rin si Inday Sara.
Samantala, may 2% na hindi pa nakapag-desisyon kung sino ang kanilang iboboto at 1% ang nagsasabi na wala silang iboboto.
Isinagawa ang nasabing survey noong ika-17 hanggang 21 ng Marso sa 2,400 na mga respondent.