KASAMA sa tututukan ni vice presidential aspirant Dr. Willie Ong ang pagpapaunlad sa bawat rehiyon ng Visayas at Mindanao.
Masyado nang nakatuon aniya ng pansin ang pamahalaan sa National Capital Region (NCR) at Calabarzon kung kaya’t ang lahat na Gross Domestic Product (GDP) ay nagmumula din sa mga rehiyong ito.
Mas mainam ayon kay Dr. Ong na paunlarin na din ang paggawa ng bahay at daanan sa Visayas at Mindanao.
Ito’y para dumami na rin ang magiging trabaho doon at ito na ang susi para maging balanse ang ekonomiya ng bansa.