Infectious Expert, sinabing ‘di pa tapos ang COVID pandemic

Infectious Expert, sinabing ‘di pa tapos ang COVID pandemic

HINDI pa tapos ang COVID pandemic ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvaña.

Aniya, kinakailangan pa ring protektahan ng mga tao ang kanilang mga sarili mula sa virus.

Sa kabila ito ng pagtanggal ng World Health Organization (WHO) sa COVID-19 bilang global emergency.

Paglilinaw ni Salvaña, maaari pa ring tataas ang COVID cases subalit hindi naman ito nagiging sanhi para mapupuno muli ang mga admission.

Binigyang-diin muli ni Salvaña na napipigilan pa rin ang paglaganap ng COIVD sa pamamagitan ng pagpapabakuna at pagpatutupad ng health protocols.

Hanggang buwan ng Marso, nasa 78.4-M na ang fully-vaccinated sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter