HINDI malaking kawalan ng Russia ang inilatag na economic sanctions ng Estados Unidos at United Kingdom gaya na lang sa langis.
Sa panayam ng Sonshine Radio kay Professor at Political Analyst Clarita Carlos, ang mga taga-Europa naman ang nangangailangan nito.
Ipinaliwanag na rin ni Carlos na ang mga Russians at Russian-speaking Ukrainians na nasa Donetsk at Luhansk, Ukraine ay matagal nang naninirahan doon.
Hindi aniya dapat itong gawing senyales para sa umanoy namumuong digmaan.
Samantala, hindi si Russian President Vladimir Putin ang bumuo ng sigalot sa Ukraine.
Ayon kay Carlos, ang taga-West talaga ang gumawa nito.
Matatandaang ang Russian at Ukraine ay nasa state of conflict simula noong 2014 at nauwi ito sa pagpatutupad ng U.S. sa isang serye ng mga parusa laban sa Russia, kabilang ang mga parusang pang-ekonomiya o economic sanctions.
Ang mga parusang pang-ekonomiya ay ang pinakamalakas na sandata ng West sa kanilang arsenal na patakarang panlabas, ngunit may mga tandang pananong kung hanggang saan sila makararating sa 2022.
Mas mainam ayon pa kay Carlos na magbasa na lang ng kasaysayan upang maintindihan ang isyung ito.