Inisyal na pinsala ng Bagyong Paeng sa sektor ang agri, pumalo na sa higit P285-M

Inisyal na pinsala ng Bagyong Paeng sa sektor ang agri, pumalo na sa higit P285-M

MATINDING pinsala ang iniwan ng Bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura, kaya ang Department of Agriculture ay nakahanda para sa pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda.

Sumampa na sa P285.28 milyon ang inisyal na pinsala sa sektor ng agrikultura sanhi ng Bagyong Paeng.

Sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA), aabot sa 8,608 na mga magsasaka at mangingisda mula MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Soccsksargen Regions ang apektado.

Sa inisyal na datos, nasa 13,408 ektarya ng agricultural areas ang napinsala.

At nasa 11,761 metric tons naman ang production loss kung saan kabilang sa nasira ay mga pananim na palay, mais, mga high-value crops at iba pa.

Pagtitiyak ng DA, inihahanda na nila ang ipamamahaging tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sinabi rin ng kagawaran na maglalabas sila ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Magkakaroon din sila ng pautang na nagkakahalaga ng P25,000 sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program from the Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Asahan pang tataas ang estimated production loss habang nagsasagawa pa ng validation ang DA-Disaster Risk Reduction Management Operations Center.

Follow SMNI NEWS in Twitter