Investment pledges sa state visits ni PBBM, sisikaping magbunga ng Kamara –Speaker Romualdez

Investment pledges sa state visits ni PBBM, sisikaping magbunga ng Kamara –Speaker Romualdez

SISIKAPIN ng Kamara na magbunga ang investment pledges na dala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. mula sa matatagumpay nitong state visit sa Indonesia, Singapore at ang kamakailan ay sa US.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, kahanay nila ang Pangulong BBM sa hangarin na bumuhos ang investment sa bansa kaya asahan ang buong suporta ng Kongreso sa administrasyon.

“We at the House of Representatives will help in making these investment pledges come to fruition,” saad ng lider ng Kamara.

Tiniyak din ni Romualdez ang agarang tugon ng Kongreso sa mga pending legislation ngayon na ‘in-line’ sa legislative agenda ng administrasyon para mapadami pa ang investor sa bansa.

Kabilang dito ang e-Commerce Bill, National Government Rightsizing Program, e-Governance Act, amendments to the Electric Power Industry Reform Act, amendments to the Build-Operate-Transfer Law at iba pa.

Punto pa ng House Speaker, na ang mahalaga ay tulong-tulong ang lahat ng sangay ng pamahalaan tungo sa nation building at economic bounceback sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

“What is important is we all do our share in nation-building. We all hope to capitalize on the early gains of the Marcos administration in order to steer our economy back to its pre-pandemic growth,” ani Romualdez.


Follow SMNI NEWS in Twitter