NAHARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pinay na nahikayat bilang surrogate mother sa Cyprus.
January 15, 2025 nang ito ay mangyari kung saan nagtangka syang sumakay sa isang Turkish Airlines flight.
Sa ulat, unang sinabi ng babae na bibyahe lang sya bilang turista sa Cyprus ngunit hindi nito sinasadyang maipakita sa immigration officers ang kanyang imbitasyon mula sa isang in Vitro Fertilization Clinic.
Nasa P300K ang ipinangakong bayad sa kanya pagkatapos manganak.
Nai-turnover na ang naturang babae sa Inter-Agency Council against Trafficking para sa assistance.
Follow SMNI News on Rumble