NABUDOL ng scammer si Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado at nakuhanan ng P10,000 matapos magpanggap ang nambiktima sa kanya bilang kasamahan niyang congressman.
Ani Bordado, tinawagan siya ng suspek na nagpakilalang si Catanduanes Rep. Eulogio Rodriguez at hiningan ng P10,000 na donasyon para daw sa isang farmer’s convention.
Walang alinlangan at nagpadala agad si Bordado sa scammer ng pera gamit ang GCash.
Ngunit nang magkausap nang personal ang dalawang kongresista, mariing itinanggi ni Rodriguez na siya ang nanghingi ng pera kay Bordado.
Nanawagan naman ang kongresista sa mga otoridad na paigtingin ang operasyon laban sa mga scammer lalo pa’t talamak ang mga ganyang modus ngayong holiday season.