Isang paaralan sa London, pansamantalang isinara dahil sa 3 kaso ng COVID-19

NAG-ISOLATE ang 2/3 ng mga staff ng isang paaralan sa London Ontario, matapos makapagtala ng tatlong kaso ng COVID-19.

Pansamantalang isinara ang isang elementary school sa London, Ontario matapos makapagtala ng tatlong kaso ng COVID-19.

Ang Holy Rosary Catholic Elementary School ay pansamantalang isasara mula Abril 6-9 matapos kalahati sa mga mag-aaral kasama ang 2/3 ng mga staff ay nag self-isolate dahil sa 3 positibong kaso ng COVID-19.

Sa ngayon ay naka-isolate ang 2/3 ng mga staff at kalahati ng mga mag-aaral sa Holy Rosary Catholic Elementary School.

Ayon sa London District Catholic School Board o LDCSB, pansamantalang isinara ang paaralan dahil sa kakulangan ng mga guro sanhi ng pandemya.

Isasara ito sa loob lamang ng 4 na araw at bubuksan muli pagkatapos ng spring break.

Sa kabila nito, magpapatuloy ang mga mag-aaral sa remote learning habang hindi pa binubuksan ang paaralan.

Samantala, ito ang 4 na paaralan na pansamantalang ipinasara ng London District Catholic School Board.

(BASAHIN: Prince Philip ng Britanya, nanatiling naka-admit sa ospital)

SMNI NEWS