Prince Philip ng Britanya, nanatiling naka-admit sa ospital

NAKA-admit ngayon ang miyembro ng British Royal Family na si Prince Philip, Duke of Edinburgh.

Kasalukuyang nasa King Edward VII’s Hospital sa London ang Duke bilang pag-iingat matapos hindi naging maganda ang pakiramdam nito.

Ayon sa Buckingham Palace, komportable at maayos naman ang pagresponde ng 99 na taong gulang na Duke sa treatment na binibigay sa kanya.

Ayon naman sa anak nito na si Prince Edward, umayos na ang lagay ng ama at nagpapasalamat ito sa mga mensahe mula sa publiko.

Samantala, parehong nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 ang Duke at si Queen Elizabeth II kaya naman, ang pagkaka-admit ng Duke ay walang kaugnayan sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.