AYAW nang kuwestyunin ng Department of Justice (DOJ) ang isyu ng delayed inhibition ng hukom sa ika-3 drug case ni dating Senator Leila de Lima.
NAGHAIN ng administrative complaint sa Korte Suprema ang tatlong abogado ni dating Senator Leila de Lima laban kay Muntinlupa Br. 256 Judge Romeo Buenaventura.
Si Buenaventura ay ang nag inhibit na judge sa ikatlo at natitirang drug case ni De Lima dahil sa conflict of interest.
Nag-inhibit ito dahil na rin sa mosyon na inihain ng co-accused ni De Lima na si Ronnie Dayan, Joenel Sanchez, at dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Franklin Jesus Bucayu matapos malaman na kapatid ng hukom ang abogado na tumulong kay Dayan sa paggawa nang affidavit na kalaunan ay kaniya ring binawi.
Ang kapatid ng nasabing hukom ay nagtrabaho bilang legal adviser ni dating Cong. Reynaldo Umali na dating chairman ng House Committee on Justice sa kasagsagan noon ng Congressional hearings sa kontrobersiya ni De Lima noong Oktubre, 2016.
Sakabila ng kaniyang pag-inhibit ay inireklamo pa rin ng mga abogado ni De Lima ang huwes dahil umano late na itong nag-inhibit sa kaso.
Dahil sa belated na pag-inhibit nito ay nawalan umano ng hindi patas na pagdinig sa kaso si De Lima lalo pa ang judge umano ang nagbasura na mabigyan ng bail ang dating senadora.
Ang Department of Justice nanindigan na nasa discretion na ng judge ang pag-inhibit sa kaso.
Doon sa sinasabing delayed inhibition, ito ang naging pahayag ni Asec. Mico Clavano, Spokesperson ng DOJ.
“The judges have the right to inhibit specially if the grounds are meritorious. Minsan nga hindi naman meritorious ‘yung grounds, pero nag-iinhibit pa rin ang judge para maging mas patas sa tingin ng mga parties and, I think that is something that the judges, it’s part of the discretion of the judge para lang maging impartial ang tingin ng parties sa pag-resolve ng kaso and, I think ‘yung delayed inihibition, I guess is something that they can raise at anytime pero sa tingin ko naman po ‘yung pag-inhibit ng judge is up to him completely,” ayon kay Asec. Mico Clavano, Spokesperson, DOJ.
“As to the timing hindi ko naman alam kung ano ‘yung naging mga reasons or arguments niyan kung nasabi niyang masyadong late. But, I think it is the right of every judge also to inhibit specially if he think it will be for the best outcome ng kaso,” aniya.