“It’s Showtime”, aapela hinggil sa inilabas na broadcast suspension order ng MTRCB

“It’s Showtime”, aapela hinggil sa inilabas na broadcast suspension order ng MTRCB

MAGHAHAIN ng motion for reconsideration ang noontime program na “It’s Showtime” hinggil sa desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na suspindehin ang kanilang broadcast.

Sa pahayag ng isa sa mga host ng noontime program, naniniwala sila na wala silang nilabag na batas kung kaya’t aapela sila.

Sa panig ng MTRCB, ang pagsuspinde ay isinagawa bilang tugon sa mga reklamong inihain ng mga manonood sa episode noong Hulyo 25, 2023 ng programa.

Sa episode na iyon, inakusahan ang mga host ng palabas sa hindi disenteng pag-arte sa segment na “Isip Bata’’.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng suspension ang “It’s Showtime”.

Noong 2010 ay sa loob ng 20 araw ang preventive suspension ng programa dahil din sa ilang reklamo.

Nitong Setyembre 4, inilabas ang suspension order laban sa “It’s Showtime”.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble