NAKATUON ngayon si Jaja Santiago o kilala rin bilang Sachi Minowa sa pagpapalawak pa ng kaniyang volleyball career sa ibang bansa.
Sa kaniyang plano, target nito ang maging kauna-unahang Pilipino na makapaglaro ng volleyball sa Europa.
Hamon nga lang ang kaniyang posisyon bilang middle blocker dahil madalas na hinahanap sa Europa ang outside at opposite hitters at maging setter.
Pinakalatest na team ni Jaja ang Osaka Marvelous sa Japan SV.League kung saan nasungkit nila ang kampeonato.