PORMAL na pinirmahan ng Japan at Pilipinas ang P14-B loan na susuporta sa pagbabakuna at economic recovery ng Pilipinas.
Noong Lunes ay pinirmahan ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Lourdes Yparraguirre at Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko ang kasunduan at nagpalitan ng notes ukol sa COVID-19 crisis response emergency support loan phase-2 (CCRESL phase-2).
Ito ay karagdagan sa naunang loan package mula Japan na nagkakahalaga ng 50 bilyong dolyar.
Ang huling loan package ay sumusuporta sa hakbang ng Pilipinas na maka-recover mula sa economic impact ng COVID-19.
Ang bagong loan ay nagkakahalaga ng 30 bilyong yen at malaking suporta sa budget ng bansa.
Samantala, sa ilalim ng highly concessional terms, ang repayment period ng loan na ito ay naka-set sa 11 taon matapos ang grace period na 4 na taon.
Ang fix interest rate ng loan na ito ay 0.01 percent bawat taon.
Ayon sa embahada, ang unang yugto ng loan ay ibinigay sa Pilipinas noong Hulyo 2020.