EXEMPTED na ang subsidy programs ng Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at mangingisda mula sa election spending ban.
Kinumpirma ito ni COMELEC Commissioner George Garcia sa mga mambabatas sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms kahapon.
Ayon kay Garcia, inaprubahan na nila ang petition of exemption ng ahensya na walang anumang limitasyon o restriksyon dahil naniniwala sila na ito ay napakahalagang proyekto ng DA.
Una nang hiniling ni Agriculture Secretary William Dar na payagan ang pagpapatuloy ng distribusyon ng P3,000 fuel discount vouchers sa lahat ng elegible corn farmers at mangingisda.