Japan Coast Guard, nagpasalamat sa PCG sa pagligtas sa 5 Japanese crew ng lumubog na barko

Japan Coast Guard, nagpasalamat sa PCG sa pagligtas sa 5 Japanese crew ng lumubog na barko

NAGPASALAMAT ang Japan Coast Guard sa Philippine Coast Guard (PCG) matapos ang isinagawang rescue operation sa lumubog na barkong MV Catriona na lulan ang 5 Japanese crew.

Sa liham pasasalamat ni Admiral Ishii Shohei, commandant ng Japan Coast Guard, pinuri nito ang professionalism at dedikasyon ng PCG.

Umaasa rin ang Japanese official na lalago pa ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Matatandaan na dumating na sa bansa kamakailan lang ang disaster relief team ng Japanese government para tutulong sa oil spill sa Oriental Mindoro.

At naniniwala naman si Shohei na makatutulong ang Japanese team sa relief operation ng pamahalaan sa nangyaring oil spill.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter