ASAHANG magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ngayong linggo.
Batay sa pagtataya, posibleng tataas ng mula P0.80 hanggang P1.20 ang kada litro ng gasolina.
Habang ang kada litro ng diesel ay posibleng bababa o tataas ng P0.20.
Asahan din ang rollback sa kada litro ng kerosene mula P40 hanggang P0.80.
Ang oil price hike ay dahil sa naging resulta ng unang 4 na araw ng Mean of Platts Singapore (MOPS) mula noong Marso 6 -Marso 9, 2023.
Nakatakda namang i-aanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang kanilang pinal na presyo ngayong araw ng Lunes.