Japan, inaprubahan na ang paggamit ng Pfizer vaccine bilang booster shot

Japan, inaprubahan na ang paggamit ng Pfizer vaccine bilang booster shot

INAPRUBAHAN na ng Japan ang paggamit ng Pfizer vaccine bilang booster shot.

Nagbigay na ng go signal ang Health Ministry ng Japan sa paggamit ng Pfizer vaccine bilang booster shots nito

Ayon sa Ministry, isang clinical study mula sa ibang bansa ang nagpapakita na ang mga taong nabigyan ng third dose gamit ang Pfizer vaccine ay mas nagpapakita ng neutralization ng antibodies mahigit tatlong beses kasunod ng second shot nito.

Subalit maaaring magiging limitado ito sa mga taong nasa edad labingwalo pataas. Habang ang standard inoculation naman ay magiging available sa mga nasa edad labindalawa pataas.

Ayon sa mga eksperto, sa puntong ito ay wala pa silang datos sa kung ano ang magiging epekto at ang seguridad nito kapag naibigay ang booster shots sa mga edad nasa 18 pababa. Sinabi naman ng Ministry na ikukunsidera nila ang pagluluwag ng limitasyon sa edad kapag nakapagbigay pa ang Pfizer company ng datos patungkol dito.

Una namang magagamit ang Pfizer booster shots sa mga health worker sa susunod na buwan.

SMNI NEWS