KINASUHAN ng Myanmar ang isang US Journalist ng kasong terorismo at sedisyon.
Nakakulong mula pa noong Mayo ang isang mamamahayag ng Estados Unidos sa kasong sedisyon at terorismo na may parusang habambuhay na pagkakakulong.
Ayon sa lawyer ng Journalist na si Than Zaw, naaresto si Danny Fenster noong sinubukan nitong umalis sa Myanmar noong buwan ng Mayo at ngayon ay kinasuhan na sa ilalim ng anti-terror at sedition law.
Ang pinakamataas na sintensya na ihahatatol sa ilalim ng counterterrorism law ay habambuhay na pagkakakulong.
Si Fenster ay 37 taong gulang na nagtatatrabaho sa isang local outlet na Frontier Myanmar sa loob ng humigit kumulang isang taon at pauwi na sana ito upang makita ang kanyang pamilya nang sya ay pigilan ng militar.
Samantala, nakatakdang magsimula ang trial ni Fenster sa Nobyembre 16.