NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang bansang Japan hinggil sa military drills ng China malapit sa Taiwan.
Ayon sa mga ulat, tumaas ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa matapos ang pagbisita ni U.S House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan na siya namang inaangkin na teritoryo ng China.
Ayon sa top government spokesman ng Japan na si Hirokazu Matsuno, ang peace at stability sa Taiwan Strait ay mahalaga hindi lamang para sa Japan kundi maging sa buong mundo.
Matapos ang 7 taon, nakatakda namang bumisita si Pelosi sa Japan sa susunod na linggo at makikipagkita kay PM Fumio Kishida upang palakasin pa ang bilateral relation ng U.S at Japan.
Umaasa naman si Matsuno na mareresolba ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at China sa isang mapayapang dayalogo.