TATANGGAP na ang Japan ng international cruise ships matapos ang 2 taon na ban dahil sa pandemya.
Ito ay inanunsyo ni Transport Minister Tetsuo Saito matapos ang 2 taong ban dahil sa pandemya.
Ayon sa ministry, napaghandaan na nito ang mga hakbang para sa pagtanggap ng mga barko na may dalang malalaking grupo ng tao, naglagay na rin ito ng mga restriksyon upang maiwasan ang impeksyon sa mga pasahero.
Ang mga pinaghihinalaang positibo sa sakit ay kinakailangan na sumailalim sa testing at ang may mga positibong resulta ay kinakailangan i-quarantine kasama ang kanilang close contacts.
Samantala, ang cruise ship schedule ay iiklian lamang kung higit sa 10 porsyento ng mga pasahero ay positibo sa sakit.
Ayon sa Japan International Cruise Committee, inaasahan ang 166 na pagbisita ng dayuhang cruise ships simula sa Marso 2023.