Jennie ng Blackpink, nagbigay donasyon sa pagpapatayo ng paaralan sa S. Korea

Jennie ng Blackpink, nagbigay donasyon sa pagpapatayo ng paaralan sa S. Korea

NAKATANGGAP ang Habitat for Humanity Korea ng 100 million won mula kay Jennie, ang main rapper ng K-pop girl group na Blackpink!

Ang donasyon ay para sa konstruksiyon ng Rodemnamu International Alternative School sa Anseong, Gyeonggi Province.

Hindi lang si Jennie ang Blackpink member na nagbigay donasyon ngayong taon.

Noong Marso ay ibinigay ni Jisoo, ang visual ng grupo, ang buong kita ng kaniyang “Happy Jisoo 103%” YouTube channel sa Save The Children Charity.

Ang donasyon ng singer-actress ay para sa mangrove forests project sa Vietnam.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble