Live performances ng Girls’ Generation at Blackpink, naungkat dahil sa Coachella 2024

Live performances ng Girls’ Generation at Blackpink, naungkat dahil sa Coachella 2024

NAHAHARAP ngayon sa kontrobersiya ang K-pop girl group na Le Sserafim kasunod sa kanilang naging performance sa Coachella 2024.

Sa puna ng audience, maganda ang kabuuang vibe at production quality ng show subalit hindi lang anila gaanong kaaya-aya ang live vocals ng grupo.

Maaari anila na bawasan na lang ang intensity ng choreography ng grupo para mapaunlad ang kanilang vocal performance.

Dahil dito, naungkat ng Coachella goers ang naging performance ng K-pop girl group rin na Blackpink noong Abril 15, 2023.

Kung papansinin anila, mistulang dinomina ng Blackpink ang stage, “impressive” sa kabuuan ang kanilang performance at “positive” ang reviews ng goers.

Ika nga, ang Blackpink ang isa sa mga nagtakda ng mataas na standard para sa ibang performers ng Coachella lalong-lalo na sa kapwa nito Korean artists.

Samantala, karamihan sa K-pop fans ay naalala rin ang 2nd Generation K-pop group na Girls’ Generation dahil sa napakaganda nitong vocals tuwing live performances.

Sinasabing ang Girls’ Generation rin bago pa man ang Blackpink at Twice ang naging susi para mas mapalawak pa ang marating ng K-pop girl groups sa ibang bansa.

Positibong payo naman ng mga kritiko Sa Le Sserafim, maaari pang ma-improve ang kanilang performance dahil halos dalawang taon pa lang ito sa industriya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble