Jennifer Lopez ikinasal na kay Ben Affleck

Jennifer Lopez ikinasal na kay Ben Affleck

INANUNSYO ng American singer, actress, at dancer na si Jennifer Lopez na siya ay ikinasal na kay Ben Affleck.

Ito ay matapos sa mahigit 20 taong pagkakahiwalay nilang dalawa ng American actor at filmmaker.

Idinaos ang kanilang intimate wedding ceremony sa Las Vegas noong July 16, 2022.

Hindi akalain ni Jennifer na mauuwi sa happy ever dahil kung matatandaan November 2002 nang sila ay ma-engaged, pero nag-break din sila noong January 2004.

Sa ngayon nagpapasalamat si JLO sa pagkakaroon ng sagana at isang bagong pamilya.

Follow SMNI NEWS in Twitter