NAKATAKDANG ilabas ni Jisoo ng world’s biggest girl group na Blackpink ang pinaka-aabangang solo debut nito sa March 31 ayon mismo sa kanyang agency na YG Entertainment.
Sa official page ng Blackpink, at ni Jisoo, makikita ang teaser poster ng paparating na solo project ng visual ng grupo.
Bukod sa date, wala pang ibang inihayag na detalye ang YG kung ano ang iba pang detalye sa solo project ni Jisoo.
Si Jisoo ang pinakahuling miyembro ng grupo na maglalabas ng kanyang sariling music kasunod nila Jennie, Rosè, at Lisa.
Kasalukuyang nasa “Born Pink” World Tour ang grupo na nakatakdang magsagawa ng kanilang two-night concert sa Philippine Arena sa March 25 at 26.