JMCFI College of Law, kinilala bilang isa sa mga Top Performing Law Schools sa 2022 Bar Exams

JMCFI College of Law, kinilala bilang isa sa mga Top Performing Law Schools sa 2022 Bar Exams

MATAPOS ang ipinamalas na magandang performance ng Jose Maria College Foundation, Inc. (JMCFI), College of Law sa 2022 Bar Examinations ay isa ito sa mga nakatanggap ng pagkilala mula sa Legal Education Board (LEB) bilang isa sa mga top performing law schools sa 2022 Bar Exams.

Top 3 ang JMCFI College of Law sa mga kinilalang law schools sa bansa na may 51-100 first time takers sa 2022 Bar Exams.

Ang LEB ay isang independent government agency na responsable sa regulasyon ng Legal Education sa bansa.

Ang award ay tinanggap ni JMCFI College of Law Assistant Dean for Admin and Student Affairs Atty. Kaye Laurente na lubos ang pasasalamat sa Founding President nito na si Pastor Apollo Quiboloy.

Binati naman ni LEB chairperson Anna Marie Melanie Trinidad ang JMCFI’s College of Law na may magandang performance tuwing Bar Exams.

Maliban sa 2022 Bar ay maganda rin ang ipinakitang performance ng eskwelahan kung saan nakakuha ito ng 86.36 pass rate para sa mga first time taker.

Ang paaralan ay umaasa naman na mas magiging mataas pa sa susunod na Bar ang kanilang performance rate.

Habang ang LEB ay patuloy namang umaasa na patuloy na pag-iigihan ng mga Law School ang pagbibigay ng Legal Education sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble