DALAWANG araw matapos dumating sa Metro Manila ay sumabak sa isang tune-up game ang JMCFI Kings araw ng Lunes kung saan ipinamalas ang kanilang angas laban sa University of Sto Tomas (UST).
Sa laban ay nakitaan ng malaking potensyal ni UST head coach Pido Jarencio ang koponan.
4:30 ng umaga araw ng Sabado, Hunyo 10, 2023 nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang koponan ng Jose Maria College Foundation, Inc. (JMCFI) Kings mula Davao City.
Ayon kay Coach Flordelito Cagampang head coach ng JMCFI, isang malaking hamon para sa kanilang koponan ang laro dahil bukod sa ito ang unang pagkakataon na makapasok sila sa quarter finals ng PCCL ay ito rin ang unang pagkakataon na nakatapat nila ang koponan na may mga import.
UST head coach Pido Jarencio pinasalamatan si Pastor Apollo C. Quiboloy
Sa kabila ng kanilang kinakaharap ay pinasalamatan ni Coach Cagampang si Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa ibinuhos na suporta sa JMCFI Kings.
Dahil dito ipinangako ni Coach Cagampang na kanilang susuklian ang kabutihan ni Pastor.
Pinasalamatan din ng team captain ng Kings na si Chris Catarong si Pastor Apollo dahil sa lahat ng tulong, dalangin, at suporta nito sa koponan.
Koponan ng JMCFI Kings malaki ang potensyal—UST Head coach
Kaugnay rito, ayon sa nagbabalik na head coach ng UST Tigers na si Coach Pido Jarencio, malaki ang potensyal ng mga players ng JMCFI at higit sa lahat pinasalamatan nito si Pastor Apollo C. Quiboloy dahil dinala ng butihing Pastor ang kaniyang collegiate team dito sa Metro Manila.
At umaasa si Coach Pido na sana hindi lang ito ang unang pagkakataon na magkaroon ng exposure sa basketball scene ang prestihiyosong paaralan ni Pastor Apollo.
UST Manager Alfonso Kaw, inimbitahan si Pastor Apollo na maglaro sa Metro Manila
Hindi rin pinalampas ni Alfonso Achit Kaw, manager ng UST ang pagkakataon na anyayahan si Pastor Apollo na bumisita sa Metro Manila upang makapaglaro at muling maipamalas ng butihing Pastor ang kaniyang three point shooting.
Makakalaban ng JMCFI Kings ang FEU sa darating na Hunyo 14 at 15, 2023 at ayon kay Coach Cagampang, dasal ang kanilang tanging kailangan bilang suporta sa koponan.