John Lloyd Cruz, inaming iniligtas ng anak na si Elias ang kaniyang buhay

John Lloyd Cruz, inaming iniligtas ng anak na si Elias ang kaniyang buhay

AMINADO ang aktor na si John Lloyd Cruz na iniligtas ng kaniyang anak na si Elias ang kaniyang buhay.

Sa isang interview ni Lloydie, sinabi ng aktor na hindi nito ma-imagine ang buhay kung hindi dumating ang anak.

Ipinunto rin ni Lloydie na bilang ama ni Elias ay maituturing niya itong tagumpay sa buhay at napakasuwerte niya dahil anak niya ito.

Aminado ang aktor na hindi madali ang co-parenting nila ni Ellen Adarna sa kanilang anak pero mayroon silang sistema na sinusunod na naging epektibo naman sa kanilang dalawa.

Nagpasalamat din si Lloydie sa asawa ni Ellen na si Derek Ramsay dahil iniisip din nito ang kapakanan ni Elias.

Samantala, inamin din ni Lloydie na girlfriend na niya ang visual artist na si Isabel Santos.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter