NAKATAKDA nang magtapos sa kursong communication si Joyce Pring.
Sa isang social media post, sinabi ni Joyce na 15 taon muna ang dumating at lumipas bago niya nakamit ang milestone na ito.
Naikuwento ni Joyce na huminto siya sa pag-aaral noon upang maghanapbuhay.
Nagkaroon aniya ang kaniyang pamilya ng financial problem kung kaya’t kailangan niya nang magtrabaho agad.
Sa huli, ay pinasalamatan niya rin ang Panginoon, ang kaniyang asawa na si Juancho Triviño, kaniyang buong pamilya at lahat ng supporters para sa kaniyang nakuhang tagumpay.