JV Ejercito nanawagan ng sapat na pondo para sa railway projects sa kabila ng mga pagtapyas

JV Ejercito nanawagan ng sapat na pondo para sa railway projects sa kabila ng mga pagtapyas

HINIKAYAT ni Senate Senior Deputy Majority Leader Joseph Victor “JV” Ejercito sa kaniyang mga kasamahan sa Senado na isama ang mga pangunahing proyekto sa riles sa nakatakdang pondo para sa 2025 na panukalang budget ng Department of Transportation (DOTr).

Si Ejercito, na siyang sponsor ng panukalang budget ng DOTr para sa fiscal year 2025, ay naghayag ng kaniyang layunin na magmungkahi ng isang amendya upang maisama ang pondo para sa PNR South Long-Haul Project, Mindanao Railway Project, at MRT Line 4 Project.

“Through our recommendation and the support of Senator Grace Poe, our Chairperson of the Senate Committee on Finance, we were able to introduce additional funding to the department’s budget,” saad ni Sen. JV Ejercito.

Malaking bagay aniya ang mga rail projects para maging maayos ang daloy ng trapiko ngunit kaniyang pinuna na hindi ito napaglaanan ng sapat na pondo sa National Expenditure Program (NEP) and General Appropriations Bill (GAB).

Ipinunto rin ni Ejercito na mahalaga ang mga nasabing proyekto para mapalago ang ekonomiya at makapagbukas ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

“There is an immediate need to fund the aforementioned items to prevent loss of jobs and sustain the operational requirements of the project management offices,” dagdag ni Ejercito.

Ang 2025 DOTr proposed budget ay nasa P106.86B, nabawasan ito ng 42% at tinatayang nasa P76.2B na lamang batay sa GAB.

Ayon kay Ejercito ang nasabing pagtapyas ay hindi alinsunod sa panawagan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “full speed ahead” para sa pagpapatibay ng transport sector.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble