NANINIWALA ang dating cadre na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz na hindi lang dahil sa politika ang motibo ng ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kundi ang nasabing ahensiya’y mayroon ding ugnayan sa mga makakaliwang grupo.
“Ang ICC po was a creation of non-government organizations mainly mga leftist, socialist-oriented, and communist sympathizers na naka-base sa Europe,” pahayag ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Former National Intelligence Officer, CPP-NPA-NDF.
“The ICC is a political instrument. It is not an objective court. So therefore, ang kanyang simpatya ay papunta sa makakaliwa,” ani Ka Eric.
Isa sa naging patunay ni Celiz ay ang abogadang si Atty. Kristina Conti.
“Si Atty. Kristina Conti ay hindi ordinaryong abogada. Abogada po siya ng Communist Party of the Philippines at ang kanyang operation ay para ipagtanggol ang NPA at ng NDF, at ang kanyang grupo ay pinapangalanang NUPL, National Union of Patakas (People’s) Lawyers, kasi tagapagpatakas ng NPA ang grupong ito, created by CPP purposely. Sa dinami-daming lawyers na matitino, magagaling at matatalino kumpara sa kaniya, bakit siya ang pinili ng ICC as legal counsel of the ICC in the Philippines? Kasi, recommended siya ng Central Committee International Department ng Communist Party na nakabase sa Utrecht, Netherlands,” pahayag ni Ka Eric.
Kaya naman ani Celiz, hindi lang ang Marcos at Romualdez ang nakinabang sa ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.
“The biggest winner dito po sa isang napakalaking pagtataksil at pakikipagkusabahan ay ang CPP-NPA-NDF, that is the reason nationwide sila ay kumikilos at nagpapalakpak para magparada sa pagbubunyi sa nangyaring pagkadukot at iligal na pagkakadetine kay Pangulong Duterte,” ayon pa kay Ka Eric.
Matatandaang kumalas ang bansang Pilipinas sa ICC noong 2019. Ilang beses sinabi ni BBM na hindi siya makikipagtulungan sa nasabing ahensiya sa anumang imbestigasyong nais nitong isagawa sa bansa, lalo na kaugnay sa “War on Drugs” campaign ni dating Pangulong Duterte sa panahon ng kaniyang panunungkulan.