Kabaong na ginamit ni Dingdong Dantes sa pelikulang ‘Rewind’, ibinenta

Kabaong na ginamit ni Dingdong Dantes sa pelikulang ‘Rewind’, ibinenta

IBINENTA sa sikat na shop ng isang vlogger ang ginamit na kabaong ni Dingdong Dantes sa kaniyang pelikulang “Rewind”.

Sa vlog ni Boss Toyo Shop, ipinakitang binili nito ang naturang kabaong ni Dong sa kaniyang movie, maging ang mismong video clip ng kaniyang ‘paghimlay’ doon.

Ayon sa negosyanteng si Pasky Ilagan ng St. Athanasius Memorial Chapel, nais nitong ibenta ang kabaong sa halagang P1-M.

At dahil wala namang pirma nina Dingdong o ni Marian Rivera ang naturang kabaong, natawaran ito ni Boss Toyo sa halagang P250,000.

Nanawagan naman si Boss Toyo kay Dong na kung nanonood ito ng ‘Pinoy Pawnstar’ ay baka sakaling mapasyalan sila at ma-autograph ang kabaong.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter