PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang simultaneous grand launching ng Kadiwa ng Pasko Caravan.
Layon ng programa na isulong ang mga lokal na produkto at palakasin ang farming community sa pamamagitan ng pagbibigay ng direktang farm-to-consumer food supply chain na nag-aalis ng ilang marketing layers.
Nagbibigay-daan ito sa mga producer na kumita ng mas malaki habang nagbibigay naman ito sa mga mamimili ng abot-kaya at mataas na kalidad na mga lokal na produkto.
Isang inisyatiba ng Office of the President at pinangunahan ng Department of Agriculture (DA) ang Kadiwa ng Pasko Caravan.
Ginanap ang nasabing event sa pangunguna ni Pangulong Marcos sa Molave Covered Court, Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City, umaga ng Miyerkules, Nobyembre 16.