MAS magiging mahigpit ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa mga posibleng pagdarausan ng rally ng mga aktibista at kontra gobyernong kilusan kasabay ng unang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.
Isa sa mga mahigpit na tagubilin ngayon ng PNP sa mga tauhan nito ang pagbabawal sa mga raliyista na tumuntong sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Bukod pa anila sa abala, mismong malaking problema ang mga rally sa pampublikong transportasyon.
Bagama’t patuloy ang pakikipagdayalogo ngayon ng PNP sa iba pang organisadong grupo para sa mga kasunduan sa mas maayos na pagsasagawa ng SONA para sa isang pangulo.
Samantala, katatapos lang ng komprehensiya na pinangunahan mismo ni PNP OIC LtGen. Vicente Danao Jr. kaugnay sa preparasyon ng bansa sa unang ulat sa bayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong Hulyo 25.
Kinumpirma ng PNP ang mahigit sa 22,000 police personnel ang nakatakdang ipakalat sa buong National Capital Region (NCR) partikular na sa loob at labas ng Batasang Pambansa kung saan gaganapin ang SONA ng Pangulo.
Bahagi ng kanilang mandato ang istriktong pagpatutupad ng checkpoints sa mga papasok sa NCR kasabay ng ipinatutupad na gun ban.
Hakbang ito para maiwasan ang posibleng banta sa seguridad sa araw ng SONA ng Pangulo.
Ngayong araw ay ipinakita sa publiko ang mga kagamitan ng QCPD para sa SONA ni Pangulong Marcos.
Mga kagamitan ng QCPD para sa SONA:
CDM equipments
Shield-890
Helmet -410
Body armor- 390
Truncheons-710
Gasmask-100
Mega phone-5
Truck -3
QCPD Bus-2
Toyota Altis- 5
Back to back -10
Patrol car (TMU)-5
NMAX-30
SAR equipment-(rescue boat)-1
Ambulance-1
SWAT Vehicle -2pick up
LRAD ( Long range acoustic device) 1
CDM Dispersal truck 2
Makikipagtulungan ang iba pang yunit ng pambansang pulisya para tiyakin ang maayos at tahimik na pagdaraos ng SONA ni PBBM.
Muling naninidigan ang PNP na mananatili silang tatalima sa pagpatutupad ng maximum tolerance laban sa mga progresibong grupo na magsasagawa ng kilos–protesta sa darating na SONA.