ABISO sa mga motorista, sarado ang harap ng Malabon City Hall hanggang Rizal Avenue mula Disyembre 1 hanggang 31, 2022.
Ito ay upang bigyan-daan ang itatayong Paskuhan Village.
Kaugnay nito, narito naman ang mga ipinatupad na road rerouting sa lugar:
Ang lahat ng sasakyan na manggagaling sa Tonsuya papuntang bayan ay maaring kumanan sa General Luna St. at kumaliwa sa Sacristia St.
Habang ang lahat ng sasakyan na manggagaling sa Navotas papuntang bayan ay maaring dumaan sa Estrella St. patungong Rizal Avenue.