ANG Kamara na pinamumunuan ni Martin Romualdez ngayon ay isa sa pinaka-korap at pinaka-bulok sa buong kasaysayan ng Pilipinas ayon kay Dr. Lorraine Badoy
Hindi nasorpresa si Dr. Lorraine Badoy sa ginawa ng 19th Congress na ipa-contempt siya at ang iba pang vloggers o resource persons dahil hindi sila dumalo sa latest hearing na isinagawa noong Abril 8, 2025.
Sa katunayan, mistula na aniya’ng ipinakita ng mga congressman na pasista sila o may mga kapangyarihan para supilin ang oposisyon, kontrolin ang media at wala na sa isang demokrasyang pamahalaan.
Ayon pa kay Dr. Badoy, ang Kamara na pinamumunuan ni Martin Romualdez ngayon ay isa sa pinaka-korap at pinaka-bulok sa buong kasaysayan ng Pilipinas.
Sa huli, muling ipinaalala ni Dr. Badoy na hindi na dapat iboto ng publiko ang ganitong uri ng mga politiko.
Ang mga na-contempt kasama ni Badoy ay sina Sass Rogando-Sasot at Jeffrey Celiz.
Follow SMNI News on Rumble