Kampo ni BBM, hihiling ng special permit para makapagsagawa ng relief mission

Kampo ni BBM, hihiling ng special permit para makapagsagawa ng relief mission

DUDULOG ang kampo ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (BBM) sa Commission on Elections (COMELEC) para makapaghatid ng tulong sa mga nabagyo kahit campaign period.

Ayon sa kampo, naghanda ang legal group ng UniTeam ng mga kinakailangang dokumento para humiling na mapagbigyan sila ng COMELEC na magkaroon ng relief mission at masigurong hindi sila lumalabag sa mga probisyon ng Omnibus Election Law.

Batay kasi sa election laws, ipinagbabawal ang anumang uri ng bigayan habang campaign period.

Sinabi naman ni BBM na gustuhin man niya na agad na magpadala ng relief goods sa mga apektadong lugar ay hindi puwede sapagkat kailangan niyang sumunod sa batas ukol sa halalan, na pinipigilan ang mga kandidato na magpadala ng anumang tulong dahil maaari silang maakusahan ng vote buying.

Sa ngayon ay pinakilos na ng UniTeam ang kanilang relief operations team para sa panandaliang paghahatid ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Agaton sa Visayas at Mindanao.

Follow SMNI NEWS in Twitter