Mike Defensor, nilinaw na hindi sangkot sa latest anti-corruption case vs QC Mayor Joy Belmonte

Mike Defensor, nilinaw na hindi sangkot sa latest anti-corruption case vs QC Mayor Joy Belmonte

NILINAW ni Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor na wala siyang koneksyon sa pinakahuling kasong inihain laban kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Defensor na ang naghain ng anti-corruption kay Belmonte ay mga empleyado ng city hall na hindi nabigyan ng sahod.

Ayon kay Defensor, natatanging ang kasong tinutukan niya ang hinggil sa overpricing na ayuda ng syudad at maging iyon nga ay hindi pa sya ang naghain ng kaso laban kay Belmonte.

Samantala, bukas, Abril 13 ay magsasagawa ng campaign rally ang UniTeam sa may IBP Road, Quezon City.

Inimbitahan na rin ni Defensor ang lahat na supporters ni presidential candidate Bongbong Marcos mula sa karatig lugar na pumunta na sa nasabing event.

Follow SMNI News on Twitter