Kampo ni Cong. Arnie Teves, dismayado sa Senado

Kampo ni Cong. Arnie Teves, dismayado sa Senado

DISMAYADO ang kampo ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves sa desisyon ng Senado na huwag itong padaluhin sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order hinggil sa Degamo Slay case.

Sa isang panayam sa Maynila sa lead counsel nito na si Ferdie Topacio, saad ng kampo ni Teves na ‘unfair’ ang pasya ng Senado.

Saad ni Topacio na noong una ay pumayag na ang Senate committee sa virtual appearance ng kongresista.

Katunayan, nagpadala na aniya ng link para makapasok ang mambabatas sa virtual conference subalit sa huli ay hindi ito pinayagan.

Duda naman ang kampo ni Teves na may kumokontrol sa imbestigasyon ng Department of Justice at Senado kaya hindi binibigyan ng patas na pagkakataong makapagpaliwanag ang kaniyang kliyente.

Bukod sa dismayado, binanatan naman ni Topacio ang pagdinig ng Senado dahil sa ‘trial by publicity’ at hindi aniya dito nakukuha ang hustisya.

“Ngayon lang ako nakakita na ang imbestigasyon ng DOJ at ng Senate hearing ay parang kinokontrol,” ani Topacio.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter