Kampo ni FPRRD: Walang batayan ang kasong crimes against humanity sa ICC

Kampo ni FPRRD: Walang batayan ang kasong crimes against humanity sa ICC

Iginiit ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang sapat na batayan ang kasong crimes against humanity laban sa kaniya.

Sa kanilang 77-pahinang pre-trial brief, kinuwestiyon ng depensa ang ebidensiya ng prosekusyon na nag-uugnay kay dating Pangulong Duterte sa mga alegasyon ng pagpatay kaugnay ng kaniyang kampanya kontra droga.

Ayon sa abogado ni dating Pangulong Duterte na si Peter Haynes, hindi umano maituturing na crimes against humanity ang mga nasabing pagpatay dahil walang malawakang sistematikong pag-atake sa mga sibilyan.

Wala ring polisiya ng estado na nag-utos ng pagpatay.

Hindi naman itinanggi ng depensa na may naganap na mga ilegal na pagpatay ang pulisya, ngunit iginiit na hindi ito saklaw ng kasong crimes against humanity.

Dagdag pa ni Haynes, sa Pilipinas din sana litisin ang mga kaso ni dating Pangulong Duterte. Nakatakdang simulan ang paglilitis ng ICC laban sa dating pangulo sa Nobyembre 30, 2026 at inaasahang aabutin ito ng ilang buwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter