Magkakaroon ng concert ang OPM legend na si Nonoy Zuñiga sa Pebrero 6, 2027, sa Newport Performing Arts Theater, kasama ang ilang kilalang mang-aawit bilang guest artists.
Magsasama-sama ang mga OPM icon para sa “Nonoy Z: Love & Beyond” concert ni Zuñiga, na makakasama sa pagtatanghal sina Ogie Alcasid, Marco Sison, Dessa at singer-songwriter na si Earl Agustin.
Sa direksiyon ni GB Sampedro at musical direction ni Soc Mina, tampok sa concert ang mga klasikong awitin ni Zuñiga na naging bahagi ng mahigit limang dekada niyang karera sa OPM.
Kabilang sa mga kantang mapapakinggan ang “Doon Lang,” “Kumusta Ka” at “Never Ever Say Goodbye.”
Mabibili ang mga tiket sa TicketWorld sa halagang ₱2,000 hanggang ₱8,000. Inaasahan namang maglalabas pa ng karagdagang detalye ang VAA Live.
