IPINALIWANAG ang kasaysayan ng China sa claim nito sa Ayungin Shoal.
May mungkahi ngayon ang isang foreign relations expert sa kung paano ang praktikal na tugon ng Pilipinas sa pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa isang barko ng Pilipinas.
Umani ng batikos sa Kamara ang pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa barko ng Coast Guard ng Pilipinas sa isang resupply mission sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea kamakailan.
Katunayan, pinatatawag nila ang mga taga Chinese Embassy para magpaliwanag.
“What if we already exhausted all efforts? 200 plus na diplomatic protest mula noong panahon ni PNoy, nakailang dosena na na note verbale, nakailang back channeling na? Pati si Trillanes napasama na diyan eh. Pinaka-latest nga si dating Pangulong Duterte,” ayon kay Rep. Erwin Tulfo.
“This all stems from the unresolved status of the Spratlys after World War II,” saad ni Sass Rogando Sasot, Foreign Relations Expert.
Pero ayon sa foreign relations expert na si Sass Rogando Sasot, malalim ang kasaysayan sa claim ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
Batay sa 1994 study ng University of Maine School of Law, France ang unang kaagaw ng China sa Spratlys noon pang 1800’s.
Hanggang sa mabuo ang 1887 Delimitation of the Frontier.
Pero noong 1939, ang Japan ang sumakop sa Spratlys sa World War II at binago ang pangalan nito sa “Shinnan Gunto” archipelago.
Taong 1945 nang umalis ang Japan doon sa pagtatapos ng World War.
“And of course, Japan because they were the strongest nation during that time na makakatayo dito sa Western colonizers,” dagdag ni Sasot.
Taong 1956, tumayo naman ang isang Filipino lawyer at businessman na nagngangalang Tomas Cloma ang nagkaroon ng claim sa ilang isla sa Spratlys.
Dito nabuo ang bansag na Kalayaan Islands.
Ayon sa libro ni Murphy, doon ibinase ang original claim ng Pilipinas sa Spratlys.
Noong 1978, pormal na ideneklara ni dating Pangulong Ferdinand R. Marcos, Sr. ang walong isla sa Spratlys o ang Kalayaan Group of Islands sa ilalim ng Presidential Decree 1596.
Taong 1988 naman nang magsimula ang exercise of power ng China sa Spratlys.
Kasabayan nito ang Vietnam sa claim at sa mga nakapalibot na Paracel Islands.
Mga bansang kapwa nagsabi na bahagi ng kanilang archipelago o kapuluan ang pinag-aagawang teritoryo.
At ayon kay Sasot, nagkaroon ng problema sa claim ng Pilipinas sa 2016 Arbitration Case kontra China sa isyu ng West Philippine Sea.
“The Philippines kasi would claim na ‘yung mga nilista nila doon is part of the Kalayaan Island Group madi-dissolve kasi ‘yung kaso eh. Okay? Madi-dissolve. Kasi nga it would reveal the true essence of the dispute which was a territorial dispute and it’s not under the jurisdiction of the Arbitration Court. So what they did is that they actually discarded PD 1596 and seemingly argued that UNCLOS actually kind of preceded PD 1596 of Marcos?” ayon pa kay Sasot.
“So now, ang pinaglalaban natin is sovereign rights over the shoal. Ipinaglalaban ng Vietnam and China, they have sovereign over the shoal because it is part of the archipelago na kini-claim nila. So I hope that, you know people realize the difference between the two. And which one has the higher claim. It’s gonna be Vietnam and China eh kasi nga they don’t really care no whether the Ayungin Shoal is a low tide elevation,” aniya.
Samantala, sa isyu naman ng pambobomba ng water cannon sa barko ng Pilipinas, giit ni Sasot na ginagawa rin ito ng China at ibang mga bansa.
At mas mainam na aniya na tubig ang binobomba ng China kaysa bala at aktuwal na bomba para igiit ang kanilang karapatan sa pinag-aagawang teritoryo.
May mungkahi naman ito sa Philippine Coast Guard at sa mga nais na resbakan ng Amerika ang China dahil sa insidente.
Praktikal na tugon sa water cannon incident sa Ayungin Shoal, iminungkahi
“Gusto mo ngayon to counter water with water US Military might? Naku mapuputukan ka diyan. It’s like using a hammer in order to kill a fly. So that is not a proportional response no. I’m not saying that the Philippines would study to accept this. Well kung gusto niyong lumaban, then equip at our coast guards with water cannons as well. Magbugahan sila diyan ng water cannons like what Japanese Coast Guards and Coast Guards of Taiwan do to each other,” giit ni Sasot.
Wala pang pinal na petsa kung matutuloy ba ang hirit na pagpapatawag sa Chinese envoy dito sa Kamara.
Kung matutuloy, bukod sa West Philippine Sea issue, itatanong din sa mga kinatawan ng China ang isyu ng Manila Bay reclamation project kung saan state owned company ang gumagawa.