TUMAAS na naman ang naitalang mga kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Ayon sa tagapagsalita ng ahensiya, Assistant Secretary Arnel de Mesa, mula sa 30 aktibong barangay noong nakaraang buwan, nadagdagan na naman ito.
Karamihan sa mga kaso ng ASF na naitala ay sa Bohol, Cordillera Administrative Region, Region 7, at Region 8.
Apela ng ahensiya, sana ay agad na mailabas ng Food and Drug Administration ang Certificate of Registration para sa commercial use ng bakuna kontra ASF, kahit na wala pa ito sa peak.